ArtikelNasional

Weather of Philipinas .

14
×

Weather of Philipinas .

Sebarkan artikel ini

Centralinformationasean.com, Ibinalita ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Nobyembre 25, na may dalawang weather systems na makaka-apekto sa kondisyon ng panahon sa bansa.

Ayon sa ahensiya, magdadala ng maulap na panahon ang amihan o northeast monsoon sa ilang bahagi ng Northern Luzon kagaya ng lalawigan ng Batanes, Cagayan, at sa bahagi ng Apayao.

Magdadala naman ng maulap at maulan na panahon ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa southern portion ng Mindanao.

Magdudulot naman ng bahagyang pagulan ang localized thunder storms sa Metro Manila at fair weather conditions ngunit party cloudy hanggang cloudy skies naman ang maaasahan sa natitirang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ng PAGASA, maaaring umabot sa moderate hanggang rough seas ang kondisyon ng coastal water sa Extreme Northern Luzon.

( Sholihul)

Tinggalkan Balasan

Alamat email Anda tidak akan dipublikasikan. Ruas yang wajib ditandai *